Nagsagawa ng lighting rally ang tinatayang isandaang (100) supporters ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon sa grupo na nagpakilalang CPP Manila Region, bahagi ito ng pagdiriwang nila sa matagumpay na ikalawang Kongreso ng CPP nitong huling bahagi ng 2016 kung saan naghalal sila ng mga bagong lider.
Isa anila itong manipestasyon ng patuloy na paglakas ng rebolusyonaryong puwersa matapos ang limang dekada.
Sa isinagawang Kongreso anila muling nagsama-sama ang mga lider at kadres na kumakatawan sa may pitong libong (7,000) miyembro ng grupo.
Matatandaan na sa pagsisimula ng linggong ito, nagsagawa naman ng lighting rally sa Cubao ang isang grupo na nagpakilalang mga NPA.
By Len Aguirre | Report from Aya Yupangco (Patrol 5)
*Photo from: CPP website