Never say die si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa panawagan nito sa mga rebelde na lisanin na ng tuluyan ang armadong pakikibaka at magbalik loob sa pamahalaan.
Ito ang mensahe ng kalihim kaalinsabay ng ika-52 anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong araw, Disyembre 26.
Ayon sa kalihim, walang dapat ipagdiwang ang mga rebelde sa araw na ito dahil limang dekada na silang pumapatay at nagpapahirap sa kapwa nila Pilipino.
Kasunod nito, sinabi ni Lorenzana na sa halip na magdiwang ay dapat pang mahiya ang mga rebelde dahil sila ang numero unong dahilan kaya’t nagpapatuloy ang pangunahing problema ng bayan.