Makabubuti sa vaccine coverage ng bansa kung mag-a-apply ng Certificate of Product Registration (CPR) ang mga drug companies.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Edsel Salvaña, sa sandaling mayroon nang CPR ang mga kumpanya ng mga gamot, kaya nang i-market ang mga bakuna sa general public.
Aniya, ito ang status sa Amerika kung saan, mayroon nang CPR ang Pfizer at Moderna kaya’t readily available na ang mga ito sa merkado.
Dagdag ni Salvaña, na wala siyang nakikitang dahilan para hindi makakuha ito ng CPR sa Pilipinas gayung siguradong naging mabusisi ang proseso sa pagkuha nito.
Ipinabatid pa ni Salvaña na kapag naipagkaloob na ang CPR sa mga drug companies ay maaari nang ibigay ng mga doktor ang bakuna kontra COVID-19 kahit sa kani-kanilang mga klinika.