Naniniwala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na agad maaaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang ihahaing Certificate of Product Registration (CPR) ng Astrazeneca Vaccine.
Ayon kay Concepcion walang rason na hindi aprubahan ng FDA ang CPR ng Astrazeneca, dahil milyon-milyon na ang nabakunahan ng Astrazeneca Vaccine at napatunayan na ito ay mabisang proteksyon laban sa COVID-19.
Dagdag nito na kapag nabigyan na ng CPR ang Astrazeneca maaari nang bilhin ito sa mga botika.
Aniya, hindi dapat mangamba ang mga mahihirap na Pilipino kung walang pambili ng bakuna dahil maaari itong bilhin ng pamahalaan.