Ipinag utos ni PNP Officer in Charge Police Lt. General Archie Francisco Gamboa ang crackdown laban sa mga hindi otorisadong pag gamit ng blinkers at wang-wang.
Ipapatupad ang paghihigpit laban sa paggamit ng wang-wang at blinker ngayong kasagsagan ng SEA Games at christmas season.
Ayon kay Gamboa, lahat ng mga PNP unit commanders ay inaatasan na maghigpit sa pagpapatupad ng probisyon ng letter of instruction 34/10 o ang action plan against wang-wang and counter flow at PNP Memorandum Circular
Number 2017- 049 o ang policy on the provision of the PNP mobile and motorcycle security coverage.
Malinaw na sinasabi dito na tanging mga patrol vehicles at patrol motorcycles, soco vehicles, swat vehicles, rescue vehicles at ambulansiya ng PNP ang pinapayagang gumamit ng wang-wang at blinkers.
Pinayagan ding gumamit nito ang mga fire truck, ambulansiya at iba pang rescue at emergency vehicles.