Bilang na ang maliligayang araw ng mga illegal recruiters dahil sa ilalargang crackdown ng gobyerno laban sa mga ito.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahabulin niya ang mga illegal recruiters na nagpapahirap sa mga Pilipinong nais makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Pangulo, maraming mga Overseas Filipino Workers ang nagtitiis sa abroad matapos mabiktima ng illegal recruiters dahil napasubo na ang mga ito sa kanilang pinasukang trabaho.
Sinabi ng Pangulo na kailangan ang isang ahensiya na tututok lamang sa recruitment at ma-regulate ito dahil kawawa ang mga Pilipinong napapasubo dahil sa gawain ng mga ito kasabwat ang ilang tiwaling nasa gobyerno.
Nabatid ng Pangulo na talamak ang contract substitution ng mga OFWS kapag nasa ibang bansa na kayat lahat ng nasa pinirmahang kontrata ay hindi na nasusunod pagdating sa abroad.
By: Aileen Taliping