Kasado na ang crackdown ng Department of Trade and Industry o DTI laban sa mga trader at vendor na magsasamantala sa presyo ng manok at baboy.
Kasunod na rin ito ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez nang natatanggap nilang reklamo kaugnay sa mataas na presyo ng traders sa kada kilo ng manok at baboy na dahilan din kaya’t itinataas ng mga nagtitinda sa palengke ang kanilang presyo.
Sinabi ni Lopez na may go signal sila mula sa Department of Agriculture o DA para mag-isyu ng notice of violation sa mga tiwaling market players.
Batay sa kanilang monitoring, ipinabatid ni Lopez ang bentahan ng manok na nasa 140 hanggang 150 pesos kada kilo at ito aniya ay sampung pisong mas mataas kumpara sa itinakdang presyo.
—-