Nakita na ang crash site ng bumagsak na Cessna 152 sa Pantabang, Aurora.
Ito ang kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP matapos na marekober 1:30 ng hapon ngayong Miyekules ang naturang pinagbagsakan ng eroplano.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, nakaligtas ang dalawang sakay ng naturang eroplano na isang instructor pilot at estudyante.
Hindi naman nabanggit ng CAAP ang mga pangalan ng mga biktima dahil sa patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
Nag-crash ang Cessna 152 noong Martes, Nobyembre 7, 12:30 ng hapon, matapos na umalis sa Pangasinan ng 10:02.
Caap reports cessna 152 plane crashed at aurora 2 pax on board. @dwiz882
— raoul esperas (@raoulesperas) November 7, 2017
2 survived crashed of cessna 152 at pantabang, Aurora, wreckage spotted @CAAP_Operations @dwiz882
— raoul esperas (@raoulesperas) November 8, 2017