Lusot na sa Bicameral Conference Committee meeting ang panukalang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Bill (CREATE) .
Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, lagda na lamang ang kailangan para tuluyan nang ma ratipikahan ng Kamara at Senado bukas, Lunes o sa Martes ang CREATE bill para maipadala na sa Malakanyang at mapirmahan na ng Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.
Ipinabatid ni Salceda na aabot sa $18 billion dollars para sa foreign direct investments ang nawala sa bansa sa nakalipas na tatlong taon matapos maantala ang pagpasa sa nasabing panukala.
Nakasaad sa CREATE bill ang pagpapababa sa corporate income tax sa 25% mula sa 30% para sa large corporation at 20% naman para sa small and medium corporations na mayruong net taxable income na mababa sa P5 million at total assets na mas mababa sa P100 million.
Magkakaruon din ng hanggang 17 taong incentives para sa exporters habang apat hanggang pitong taon naman na income tax holiday at 10 taong special corporate income tax holiday para sa critical domestic enterprises.