Mapakinabangan ng business sector simula July 1, 2020 ang isinusulong na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE bill).
Sa isinagawang Laging Handa public briefing, ipinaliwanag ni Finance Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino na ang panukala ay updated version ng Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (CITIRA) na nakalusot na sa Kamara at sinertipikahang urgent bill.
Layon ng panukala na tulungang makabangon sa lalong madaling ang mga negosyo mula sa matinding epekto ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic habang aakitin din nito ang mga dayuhang mamumuhunan na lumipat sa bansa.
Sa ilalim ng CREATE bill, babawasan ng limang porsiyento ang corporate income tax (CIT) o mula 30 percent ay magiging 25 percent na ito na mas maganda kumpara sa 1-percentage-point reduction kada taon sa ilalim ng CITIRA sa loob ng 10 taon.