Natalakay sa budget hearing sa Senado ang Corporate Recovery and Tax Incentives For Enterprises (CREATE bill) kung saan babawasan ang corporate income tax.
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, sa oras na maisabatas ito magiging bahagi na ito ng stimulus program ng gobyerno na inaasahang magpapalago sa ekonomiya.
Sa unang taon ng pagpapatupad nito inirekomenda nilang tapyasan agad ng 5% ang corporate income tax at taon-taon ay babawasan pa ito ng isang porsyento hanggang umabot na lang sa 20% ang corporate income tax.
Ani Dominguez ang bansa ang may pinaka-mataas na corporate income tax na tatlumpung porsyento sa buong ASEAN.
Inaasahan na sa pagpapatupad nito, aabot sa P40 bilyong ang mawawala sa kita ng gobyerno ngayong taon habang sa susunod na anim na taon ay aabot pa ito sa P650 billion.
Umaasa naman si Dominguez na sa kalaunan ay mas kikita pa ang gobyerno dito dahil mananatili ang trabaho at inaasahan na papabor din ito sa mga investor. — ulat mula kay Cely-Ortega Bueno (Patrol19)