Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE).
Sa ilalim ng panukalang batas, tatapyasan ang corporate income taxes at insentibo upang makatulong sa mga negosyante na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Bukod dito, hinimok rin ng bagong batas ang mga dayuhan na mamumuhunan na magtatayo ng negosyo sa bansa.
Gayunman, inaaasahan ng Pangulo na ngayong ganap na batas na ang create, magiging oportunidad ito upang makabangon muli ang ekonomiya sa bansa.
Samantala, hindi naman inaprubahan ng Pangulo ang pagbibigay ng redundant incentives, automatic approval ng applications para sa tax incentives. — Sa panulat ni Rashid Locsin.