Iprinesenta na ni Ambassador Chito Sta. Romana ang kanyang credentials bilang non-resident envoy sa North Korea.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Rob Bolivar, iprinesenta ni sta. Romana ang kanyang credentials kay Kim Yong Nam, Pangulo ng Presidium of the Supreme People’s assembly ng Nokor.
Si Santa Romana rin ang Philippine Ambassador to China na may hurisdiksyon rin sa Nokor at Mongolia.
Hulyo 12 taong 2000 nang itatag ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Nokor.