Pinag-aaralan na ng Credit Card Association of the Philippines (CCAP) na magpatupad ng interest cap matapos itaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 5% ang interest rate.
Ayon sa CCAP, pagsapit ng Enero ng susunod na taon ay hihirit sila sa BSP ng karagdagang 2% interest rate ceiling bunsod ng patuloy na pagtaas ng policy rates.
Umaasa naman ang CCAP na ikukunsidera ng BSP ang kanilang hiling.
Ito’y upang mapagaan ang pasanin ng mga Filipino consumer sa gitna ng economic crisis dulot ng COVID-19 pandemic. - sa panulatni Hannah Oledan