Kinukulang na ng cremation facilities para sa mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Jojo Flores, pangulo ng National Federation of Mortuary Stakeholders, matapos ipag-utos ng Department of Health (DOH) sa mga punenarya na dalhin na kaagad ang isang nasawing COVID-19 patient o person under investigation (PUIs) sa isang crematory sa loob ng 12 oras.
Sinabi ni Flores na ilang punenarya sa Metro Manila ay walang crematory samantalang hindi naman tumatanggap ng nasawing COVID-19 patients ang karamihan sa mga pribadong crematory.
Nais sana aniya nilang hilinging mabuksan din ang private crematories para ma-accommidate ang mga nasawing COVID-19 patients.
Ipinaabot din ni Flores ang kakulangan ng personal protective equipment (PPE) para sa staff ng mga punenarya na ang ilan ay gumagamit na lamang ng raincoat o kapote.