Mananatili ang umiiral na protocols sa pag-cremate ng mga indibidwal na nasawi dahil sa COVID-19.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang cremation process ng mga namatay dahil sa nakahahawang sakit ay bahagi ng batas at hindi ito maaaring alisin.
Paliwanag pa ng opisyal, maaari pa ring makahawa ang sinumang nasawi dahil sa isang infectious disease kahit ilang oras na ang lumilipas.
Batay sa pinakahuling datos ng DOH, pumalo na sa 60,762 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.