Ipapadeport ng gobyerno ang crew ng barkong mula sa North Korea na na-impound sa subic freeport.
Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Manuel Quezon III na bahagi ito ng proseso alinsunod sa united nations security council resolution na lahat ng barkong galing sa North Korea ay isailalim sa asset freeze ng mga bansang miyembro ng united nations.
Magpapadala aniya ang pilipinas ng report sa un tungkol sa aksiyong ginawa sa barko.
Hindi naman masabi ni Quezon kung magpapadala ang un ng team para mag-inspection sa na-impound na barko.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)