Bumaba ng 46% ang krimen sa bansa sa loob ng unang 200 araw simula ng ipatupad ang community quarantine noong Marso.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, kabilang sa walo tinututukang krimen ng pambansang pulisya ay ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping of motorcycles, at ang carnapping of cars.
Sinabi ni Eleazar, na maliban sa ipinatupad na community quarantine, malaki rin aniya ang naitulong ng mas pinaigting na police visibility hanggang sa barangay level na nagresulta sa labis na pagbaba ng kriminalidad sa buong bansa.
Base sa JTF COVID-19 Shield data, bumaba sa 18,683 ang crime incidents sa bansa noong march 17 hanggang October 2, mula sa dating 34,768 crime cases na naitala noong August 30, 2019 hanggang March 16, 2020.
Pahayag ni Eleazar, nasa 64% ang ibinaba ng motorcycle theft cases, habang 61% ang natapyas sa mga kaso ng robbery at 60% naman sa kaso ng karnaping ng mga sasakyan.