Bumaba sa 17% ang insidente ng krimen sa Metro Manila mula November 2021 hanggang January 2022.
Ayon kay PNP spokesman, Col. Jean Fajardo, ang pagbaba ng crime incidents ay indikasyon ng maigting na kampanya ng pulisya laban sa iba’t ibang krimen.
Posible anyang nakatulong sa pagbaba ng crime incidents ang ipinatutupad na quarantine restrictions sa COVID-19.
Gayunman, tiniyak ni Fajardo na hindi magpapaka-kampante ang PNP lalo’t papalapit ang Halalan.