Ipinagmalaki ng Philippine National Police ang pagbaba ng crime rate sa bansa sa unang anim na buwan ng taon.
Batay sa datos ng unit crime periodic reports bumaba ng 17.39 percent ang crime incident sa bansa mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Nakapagtala noong Enero hanggang Hunyo ng nakaraang taon ng 275,702 na crime volume at bumaba ito ngayong 2018 sa 227,757.
Gayunman, tiniyak pa rin ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na patuloy ang maigting na seguridad na kanilang ipatutupad lalo na ngayong holiday season kung saan talamak ang petty crimes gayundin ngayong election period kung saan naman posible ang mga election related violence.
—-