Higit sa kalahati ang pagbaba ng crime rate ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ito ay batay sa datos ng Philippine National Police (PNP) kung saan naitala ang 2,078 na krimen simula ng ECQ noong March 17 hanggang April 20.
Higit na mababa ito sa 5,093 na naitalang crime rate simula noong February 11 hanggang March 16.
Lumalabas na may 59% pagbaba ng krimen gaya ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at car napping.