Bumagsak ng 26.89 percent ang total crime volume sa lungsod ng Bacolod nitong Mayo kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Bacolod City Police Office spokesperson Lieutenant Colonel Sherlock Gabana, nasa 87 crime incidents lamang ang naitala noong May 2022 na mas mababa sa 119 noong 2021.
Ipinagmalaki naman ni Gabana na ang pagbaba ng mga naitatalang krimen sa lungsod ay bunga ng mas pinaigting na police operations at crime prevention measures ng iba’t ibang local police units.