Inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na bumaba ng 34% ang crime rate sa bansa.
Iniulat din ni Año na mula sa kabuuang 139,111 insidente noong 2016, ang bilang ng index crimes ay bumaba sa 41,260 noong 2020 at 27,523 sa unang siyam na buwan ngayong taon.
Aniya, mas nakararamdam na rin ang publiko ng kaligtasan ngayon dahil sa presensya ng mga pulis at mga programa ng gobyerno sa mga komunidad.
Sinabi pa ng kalihim na napababa at napabuti ang ‘crime situation’ sa ilalim ng Administrasyong Duterte, matapos na bumaba ang trend mula 584,883 noong 2016 habang 383,189 nitong 2020, at 282,631 sa unang walong buwan ng 2021.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico