Bumaba ng 59% ang bilang ng mga nabiktima ng motorcycle riding criminals sa buong bansa ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kung dati ay apat ang average ng index crimes, nasa dalawa na lamang ito ngayon.
Una rito, inihayag ni Eleazar na sumadsad din ng 46% ang crime rate sa buong kapuluan.
Matatandaang nangako si Interior Secretary Eduardo Año na gagamit ng bagong strategy ang pulisya sa pagtugis sa mga kriminal.
Pinaiigting din ng Philippine National Police (PNP) ang mga operasyon nito, gayundin ang police visibility sa iba’t-ibang panig ng bansa para mapigilan ang paglaganap ng mga kriminal na gumagamit ng nakaw na mga sasakyan at motorsiklo.