Bumaba ng 50% ang crime rate sa bansa sa nakalipas na limang taon.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, umabot sa 1.35 million ang bilang ng naitalang krimen sa nasabing panahon kumpara sa 2.7 million noong 2010 hanggang 2015.
Simula anya nang ipatupad ang Anti-Drug War noong 2016, bumulusok sa 50% ang antas ng krimen.
Binigyang-diin ni Densing na malaki ang naitulong ng drug war na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapababa sa krimen, dahil karamihan sa mga naitatalang krimen ay may kinalaman o nag-ugat din sa iligal na droga.
Idinagdag pa ng DILG Official na ilang laboratoryo na rin ng illegal drugs ang matagal nang tumigil sa operasyon at maraming drug lords ang umalis ng bansa sa panahon ni Pangulong Duterte.