Bumaba ng mahigit 21 porsyento ang bilang ng naitalang krimen sa bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP, nasa 1,050,987ang naitalang mga kaso ng physical injury, homicide at rape mula Hulyo noong 2016 hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.
Mas mababa ito kumpara sa crime rate na 1,325,789 na naitala sa kaparehong buwan noong 2014 hanggang 2016.
Samantala, tumaas naman ang kaso ng murder sa bansa partikular na sa Metro Manila.
Lumobo ito sa 3,444 mula July 2016 hanggang June 2018.
Mas mataas ito ng mahigit 100 porsyento kumpara sa naitalang kaso ng murder na 1,621 sa kaparehong buwan noong 2014 hanggang 2016.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, ang pagbaba sa bilang ng krimen sa nakalipas na dalawang taon ay bunsod ng matagumpay na kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
—-