Bumaba ang crime rate na naitala ng Police Regional Office 7 (PRO 7) sa Central Visayas sa loob ng dalawang buwan matapos ang isinagawang anti-crime security adjustments.
Sa datos ng tanggapan, umabot sa mahigit 37,400 ang kabuuang bilang ng krimen na naiulat mula Oktubre hanggang unang linggo ng Disyembre.
Nasa 5.24% ang ibinaba nito kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na may halos 40,000 kaso.
Ang index crimes ay mga krimen na kinabibilangan ng murder, homicide, robbery, carnapping at iba pa.
Tiniyak naman ni PRO 7 Director Brigadier General Roderick Augustus Alba ang patuloy na pagpapaigting ng kampanya laban sa krimen.