Bumaba umano ang antas ng krimen sa Metro Manila noong isang taon kumpara noong taong 2016 ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO.
Batay ito sa inilabas nilang talaan ng tinatawag nilang 8 focus crimes o mga krimeng kadalasang nangyayari sa Metro Manila sa nabanggit na panahon.
Kabilang sa mga ito ayon kay NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping at motorcycle theft.
Giit ni Albayalde, karaniwan aniyang sabog sa iligal na droga ang mga nasa likod ng nasabing krimen kaya’t napababa ito mula nang ilunsad ng pulisya ang Oplan Tokhang.
—-