Kinumpirma ng Philippine National Police-National Capital Region Police Office na bumaba ng 60.18% ang crime rate sa Metro Manila nitong Semana Santa.
Batay sa datos ng NCRPO, sumadsad sa 45 cases ang bilang ng krimen na naganap, mas mababa kumpara nuong 2024 na mayroon 113 insidente.
Kabilang sa mga bumaba ang mga kaso ng murder; rape; theft; at physical injuries.
Mula sa nasabing datos, nabawasan ng 87.5% ang kaso ng murder sa Metro Manila habang bumaba ng 77.78% ang rape cases at 66.67% naman ang ibinaba ng kaso ng physical injuries.
Maliban dito, bumaba rin ang kaso ng pagnanakaw sa 56.36%, gayundin ang carnapping na bumaba ng 75%.—sa panulat ni Alyssa Quevedo