Bumaba ng 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016 o sa pagsisimula ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, sumadsad na sa 34,552 noong isang taon mula sa 131,699 crime index bunga na rin ng mga episyenteng programa ng administrasyon laban sa lahat ng uri ng krimen.
Bumaba sa 360,573 ang naitalang insidente ng krimen noong 2021 o 3.66 percent na pagbaba kumpara sa 374,277 noong 2020.
Indikasyon anya ito na nararamdaman ng publiko ang pagganda ng peace and order situation sa bansa. —sa panulat ni Mara Valle