Bumaba na umano ang bilang ng krimen sa Quezon City.
Batay sa ulat ni Quezon City Police District police chief Guillermo Eleazar, partikular na bumaba ang bilang ng car theft at carjacking incidents.
Sa ginanap na pagpupulong ng quezon city anti-drug abuse advisory council, sinabi ng hepe ng QCPD, mayroon lamang apat na iniulat sa unang tatlong buwan ng 2016 kumpara sa 11 na naitala sa kaparehong mga buwan noong 2014.
Una nang nabansagang “carnapping capital” ang Quezon City dahil sa dami ng napapaulat na insidente ng carnapping simula noong taong 2000.
By: Avee Devierte