Inanunsiyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tumaas ang ilang uri ng krimen partikular ang pagnanakaw matapos isailalim sa Alert level 1 ang ilang lugar sa bansa.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, maaaring nagdulot ng pagtaas ng antas ng krimen ang pagluluwag sa ilang restriksyon at paglabas muli ng maraming tao dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases.
Nabatid na maliban sa pagnanakaw, kabilang sa 8 focus crimes ay ang Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, at pagnanakaw ng mga sasakyan at motorsiklo.
Samantala, hinimok ng kalihim ang publiko na maging maingat at manatiling alerto sa kapaligiran lalo na kung magtutungo sa mga matataong lugar. —sa panulat ni Mara Valle