Bumaba ng sampung porsyento ang bilang ng krimen sa buong bansa nitong May 2019.
Batay sa datos ng PNP-Directorate for Investigation and Detective Management, ang total crime volume noong nakaraang buwan ay 38,284 mas mababa kumpara sa 42,527 noong May 2018.
Lumalabas din na bumaba ng 22.6 percent ang bilang ng mga index crimes na murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carjacking at cattle rustling sa 5,744 nitong May 2019 kumpara sa 7,421 noong May 2018.
Pagbaba ng crime rates sa bansa pinapurihan ng DILG
Pinapurihan ng Department of Interior and Local Government o DILG ang Philippine National Police o PNP dahil sa pagbaba ng bilang ng krimen sa bansa.
Batay kasi sa tala ng Directorate for Investigation and Detective Management, pumalo sa 38,284 ang kabuuang krimen na naitala noong May 2019 kumpara sa 42,527 sa kaparehong panahon.
Pinuri rin ni Año ang PNP dahil sa paglilinis nito sa hanay kung saan sinisikap na tanggalin ang mga tiwaling pulis upang maibalik ang tiwala ng publiko.