Nakipagdayalogo ngayon ang Philippine National Police sa mga crime watch group sa lunsod ng Quezon.
Ayon kay Quezon City Police district Director General Guillermo Eleazar, nakipagpulong sila sa mga miyembro ng neighborhood crime watch group sa Barangay Culiat, upang higit na paigtingin ang ugnayan ng barangay at pulisya laban sa iligal na droga at kriminalidad.
Pahayag ni Gen. Eleazar, malaking tulong ang mga naturang grupo para matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa isang lugar.
Mas magiging madali rin aniya ang mga isasagawang anti-criminality operation ng mga otoridad dahil sa mga credible information na maari nilang makuha mula sa mga naturang grupo.
By: Jopel Pelenio
SMW: RPE