Ino-obliga na ang mga security agency ng mga pribadong establisyamento na magsagawa ng crisis drill nang hindi bababa sa apat (4) na beses kada taon.
Ayon kay Philippine National Police o PNP Directorate for Operations Director Camilo Pancratius Cascolan, ito ay upang tiyakin na alam ng mga gwardya at empleyado ang mga gagawin sakaling may umatakeng armadong tao sa kanilang lugar.
Giit ni Cascolan hindi lamang dapat fire at earthquake drill ang sinasanay ng publiko.
Kasabay nito, kailangan na ring magpasa ng updated security plan at crisis management measure ang mga security agencies.
Ang kaustusang ito ay ipinalabas matapos lumabas sa imbestigasyon ng PNP – SOSIA na hindi sanay ang mga gwardiya ng Resorts World Manila sa senaryo ng pag-atake.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal