Binuweltahan ni Cristine Reyes ang nakaalitang co-star niyang si Vivian Velez.
Tinawag ni Cristine na sinungaling si Vivian matapos siyang akusahang may attitude problem na dahilan ng pagreresign nito sa kanilang teleserye.
Iginiit ni Cristine na si Vivian ang tunay na may attitude problem, patunay aniya ang hindi magandang relasyon ni Velez sa mga production staff.
Pagbubunyag ni Cristine na bago pa man magresign sa teleserye si Vivian ay nakatakda na aniyang patayin ang karakter nito upang maalis sa teleserye dahil sa samu’t saring reklamo mula sa mga staff.
Nilinaw din ni Cristine na wala siyang pinapaalis na kahit sinuman sa dressing room.
Sa huli, binigyang diin ni Cristine na hindi siya bukas makipag-ayos sa nakaalitang si Vivian.
By Ralph Obina