Excited na ang aktres na si Cristine Reyes sa kasal nila ni Ali Khatibi sa Balesin sa Enero 27, araw ng Miyerkules.
Gaganapin ang pag-iisang dibdib nina Cristine at Ali sa Balesin Island.
Ayon kay Cristine, pribado ang naturang okasyon na dadaluhan lamang ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.
Sinabi ni Cristine na nais niyang mapanatiling intimate ang kasal nila ni Ali dahil sa nakakastress aniya ang malakihang wedding bukod pa sa napaka pribado niyang tao.
Samantala, wala namang kamalay-malay si Cristine sa pinagdadaanan ng kanyang tubig at langis leading man na si Zanjoe Marudo.
Hindi aniya niya napansin na may problema na pala ang aktor at nakipaghiwalay sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.
Katwiran ni Cristine, abala siyang masyado sa kanyang kasal, anak at sa pagpapagawa ng bahay.
Kung may napansin man si Cristine kay Zanjoe, ito ay mas lumalim aniya ang pag-arte ng kanyang leading man na marahil ay dahil sa mga pinagdaanan nito.
By Ralph Obina