Iginiit ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na wala silang kinumpirmang balita hinggil sa umano’y hiwalayan nina Heart Evangelista at Chiz Escudero.
Kasunod ito ng kumakalat na isyu na nagsampa umano ng kasong cyberlibel si Senator Chiz Escudero laban kay nanay Cristy at sa isa pang dj ng isang Fm radio station.
Nabatid na nakabase ang nasabing demanda sa “fake news” na ibinalita umano ng dalawa sa isang programa sa radyo hinggil sa relasyon ng senador at ng aktres.
Samantala, sa naging pahayag mismo ni Sen. Chiz, kaniyang sinabi na wala siyang planong kasuhan si Cristy at nais lamang nitong magkaroon ng leksiyon ang lahat ng mga tagapaghatid ng balita.
Dapat parin na kilatisin muna ang mga balita para malaman kung totoo o peke ito dahil maaring makasuhan ang mga nagpapakalat ng “fake news” o maling impormasyon.