Isiniwalat ng veteran columnist na si Cristy Fermin sa kanyang show, na hirap na hirap umano ang actress-host na si Toni Gonzaga na mag-imbita ng guest sa kanyang self-titled talk show sa AMBS Network.
Ayon pa kay Manay Cristy sa kanyang episode, na tila parang gusto raw kwestyunin ng mga iniimbitahang guest ni Toni na magkalaban sila noon, tapos ngayon iimbitahan sila sa kanyang show, dahil pinaghuhugutan pa rin daw ng mga ito ang kanilang piniling kulay sa pulitika.
Dagdag pa ng kilalang showbiz critic, na hindi ito ang tamang panahon para pasukin ng AMBS Network ang larangan ng media at telebisyon. —sa panulat ni Jenn Patrolla