Inihayag ng OCTA Research Group na nalagpasan na ng bansa ang critical level sa positivity rate ng COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Butch Ong, naitala ang 4.2 % positivity rate sa buong bansa, mas mababa sa itinakda ng World Health Organization (WHO) na 5 % critical level.
Aniya, ito ang kauna-unahang pagkakataon makalipas ang ilang mga buwan na nakapagtala ng mababang positivity rate sa COVID -19.
Gayunman sinabi ng ni Ong na ibinase sa low testing ang data dahil karamihan ngayon ay gumagamit na lamang ng antigen testing na hindi bahagi ng inirereport na data sa Department of Health (DOH) .