Hindi pa nakapag-desisyon ang House Justice Committee kung kailan isasagawa ang cross examination kaugnay sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ito sa DWIZ ni Committee Chair Reynaldo Umali, bagamat nais nilang matiyak na si Sereno ay mako-cross examine gayung ang complainant na si Atty. Larry Gadon ay sasalang sa cross examination ng mga abogado ng punong mahistrado.
Posible aniya nilang payagan kung sina Sereno at Gadon ang magko-cross examine sa isa’t isa lalo na’t pareho naman silang mga abogado.
Kung ang magko-cross examine ay, total abogado naman si Chief Justice, ‘yung complainant na si Atty. Larry Gadon na abogado rin, ay ah… baka ‘yun eh pahintulutan, depende po ‘yun sa mapagkakasunduan ng komite.
Kasi… it will be unfair kung maka-cross examine si Atty. Gadon ng mga abogado, samantalang hindi mako-cross examine si Chief Justice dahil hindi siya sisipot, papaano mo mako-cross examine ‘yung abogado?
So, ‘yun ‘yung dilemma dito. Kaya, pinag-uusapan namin ngayon sa komite, eh kung silang dalawa ang mako-cross examine, eh baka pwedeng pahintulutan ‘yan.