Magpapatupad na ng crowd control sa mga istasyon ng lrt Light Rail Transit Line-1 (LRT-1).
Ito ay para sa maayos na pagsakay sa tren at maiwasan ang pagsisiksikan ng mga pasahero.
Sa abiso ng LRT-1, kanila nang kokontrolin ang pagpapasasok ng mga pasahero sa hagdan, Automated Fare Collection System (AFCS) gates at Ticket Vending Machine (TVMS), araw-araw mula ala siyete hanggang alas diyes ng umaga at alas kuwatro y medya ng hapon hanggang alas otso y media ng gabi.
Lilimitahan na rin ng LRT-1 ang bilang ng mga pasahero sa platform ng mga istasyon maliban lamang sa mga priority passengers tulad ng senior citizen, persons with disabilities, buntis at may mga kasamang bata.
Kasabay nito, humiling ng pang-unawa ang LRT-1 mula sa kanilang mga mananakay.