Inamin ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre na mas poproblemahin nila ang crowd control pagdating ng lahat ng mga kandidata sa 65th Miss Universe pageant na gaganapin sa bansa sa susunod na taon.
Sinabi sa DWIZ ni Alegre na mismong ang mga taga-Siargao ang nagsilbing security sa mga kandidatang nagtungo roon kahapon.
Ayon kay Alegre, kailangang maplantsang mabuti ang seguridad kapag nagdatingan na ang halos 80 pang kandidata sa nasabing beauty pageant.
Bahagi ng pahayag ni Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre
By Judith Larino | Ratsada Balita
Photo Credit: katdecastro / Instagram