Halos 5,000 pasahero at crew ng isang cruise ship ang na stranded sa U.S Virgin islands sa ikalawang araw
Kasunod na rin ito nang pagkasunog ng makina ng naturang cruise ship na pag aari ng Carnival Corp.
Ang mga naapektuhang pasahero ay inilipat na sa pinakamalalapit na hotel kung saan pinagsilbihan ng buffet ang mga ito bago sila muling umakyat sa barko sa muling pag biyahe nito.
Ang nasabing cruise ship ay nanggaling ng San Juan, Puerto Rico at isang araw pa lamang sa isang linggong caribbean cruise nito nang magkaroon ng masunog ang makina.
Matapos ang insidente, binigyan naman ng full refund ng kumpanya ang mga guest bukod pa sa 50% discount sa mga susunod na cruise ng mga ito.
By: Judith Larino