Hindi na tumuloy pang dumaong sa Pilipinas ang isang cruise ship na nakatakda sanang dumating sa bansa ngayong Lunes, Pebrero 3.
Ito ay sa gitna na rin ng ipinatutupad na mas mahigpit at pinalawig na travel ban laban sa mga dayuhang galing China at mga special administrative regions nito.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, nasa 500 pasahero ang sakay ng nabanggit na cruise ship.
Sinabi ni Sandoval, bagama’t walang sakay na Chinese nationals ang nabanggit na barko, hindi pa rin aniya ito maaaring makapasok ng Pilipinas dahil dumaan at saglit itong namalagi sa Hong Kong.
Magugunitang pinalawig at mas hinigpitan ang ipinatutupad na travel ban para makontrol ang dumaraming kaso ng novel coronavirus active respiratory disease (nCoV-ARD) sa Pilipinas.
Na hindi po mag-iissue ng shore passes dito po sa mga arriving ships and passengers na nanggagaling po do’n sa areas of concerned. Actually po, mayroon dapat isa na dadating ngayon, nanggagaling pong Hong Kong, meron po syang 500 passengers. Nagdesisyon na po ‘yung komite ng barko na hindi na po tumuloy sa Pilipinas but rather goes straight Taiwan para po maiwasan na hindi rin naman po sila makakababa sa Pilipinas” ani Sandoval. —sa panayam ng Ratsada Balita