Hinikayat ng isang obispo ang mga mananampalatayang Katoliko na samantalahin ang pagdiriwang ng Jubilee Year of Mercy.
Ayon kay Retired Archbishop Oscar Cruz, hindi lamang dapat tuwing Semana Santa ginagawa ang pagbabago ng sarili at pagbabalik loob sa Diyos kundi dapat itong ginagawa sa lahat ng panahon at pagkakataon.
Ngayong Semana Santa, makaiinam ding isama sa pagninilay ang paglalakbay sa mga simbahan o Visita Iglesia nang may kababaang loob at paghingi ng tawad sa mga kasalanan upang ganap itong maging makabuluhan.
“May mga pagkakataon ayon sa mga alituntunin na tayo, ang bawat isa sa atin ay puwedeng makakuha ng tinatawag na plenary indulgence, ang plenary indulgence po ang ibig sabihin ay pag sa saimbahan nakakuha ka nun ayon sa mga patakaran ay para talagang napunasan ang lahat ng kasalanan mo, nalinis ang buo mong pagkatao at ang kaluluwa’t espiritu.” Pahayag ni Cruz.
By Jaymark Dagala | ChaCha