Isang cryptic post ni Kier Legaspi ang nakaagaw pansin ng netizens.
Batay sa instagram post ni Kier nakasaad dito ang, “magpa-interview kaya ako para yung side ko naman ang marinig…i’m trying to take all the punches and lies but let’s see how you would feel if i tell my side of the story….game??.”
Walang binanggit si Kier na pangalan o kung sino ang kaniyang pinatatamaan.
Nagkaroon tuloy ng haka-haka ang mga netizens na posibleng pasaring ito sa kaniyang anak na si Dani Barreto. Si Dani ay anak ni Kier sa dating nobyang si Marjorie Barreto.
Una kasing nagkaroon ng interview si Dani sa vlog ni Dra. Vicki Bello kung saan napag-usapan ang kaniyang ama.
Matagal na niyang hindi nakakausap at nakikita ng personal ang amang si Kier.
Ikinuwento rin ni Dani na nagkaroon sila ng alitan noon ng kaniyang ama nang siya ay tumira dito noong siya ay 19 years old.
Una nang inihayag ni Dani noong 2019 na tanggap na niyang hindi maayos ang relasyon nila ng amang si Kier.