Bumuo na ang Civil Service Commission (CSC) ng isang team para mag aral at tumukoy sa papayagang nominal at insignificant gifts na maaring tanggapin ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Ayon kay CSC Assistant Commissioner Ariel Ronquillo, tinukoy sa RA 6713 o code of conduct ang pagbabawal sa pagtanggap ng mga regalo ngunit hindi nalinaw dito ang parameters ng nominal value ng maaring tanggaping regalo.
Mayroon aniyang dalawang linggo ang binuong team para ilatag ang mabubuong implementing rules and regulation sa komisyon.
Tugon ito ng ahensiya sa naging panawagan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kumilos na ang CSC para magbalangkas ng guidelines sa pagtanggap ng regalo o token ng mga kawani ng gobyerno.