Napapanahon nang kumilos ang Civil Service Commission (CSC) sa mga reklamong kinahaharap ng dating opisyal ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Clarita Avila.
Ito ang inihayag ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment bilang pagsuporta sa mga hakbang laban kay Avila na dating Chief Administrator ng NCMH.
Magugunitang naghain ng reklamo ang NCMH Employees Association ng kasong Usurpation of Authority Amounting to Grave Misconduct sa Civil Service Commission (CSC) noong November 22, 2019.
Ito’y dahil inaprubahan umano ni Avila ang 112 days leave ng isa ring empleyado ng NCMH na si Arturo Salcedo nang wala man lang pahintulot mula sa OIC sa panahong iyon ng NCMH na si Dr. Allan Troy Baquir.
Dahil dito, inireklamo rin ng mga manggagawa ng NCMH si Salcedo sa CSC dahil sa paglabag nito sa Omnibus Rules on Leave kung saan, lagpas ang naging leave nito sa siyam na araw lang na pinapayagan ng batas.
Malinaw na inabuso ng Avila ang kanyang pwesto para pagbigyan ang hiling ni Salcedo. Kung bakit ginawa n’ya ito ay hindi natin alam. Sa CSC na s’ya magpaliwanag,” ayon naman ito kay BenCyrus G. Ellorin, chairperson ng Pinoy Aksyon.
Una rito, inilipat ng Department of Health (DOH) si Avila sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center DATRC sa Las Piñas City matapos akusahan nito ng ang pamunuan ng ospital na bigong tumugon sa COVID-19 Pandemic pero napatunayang wala itong batayan.