Mariing kinondena ng CSC o Civil Service Commission ang pamamaslang kay sa isa kanilang Cagayan Valley Regional Director na si Atty. Neil Agustin sa Tuguegarao City noong nakaraang linggo.
Sa pahayag ng CSC, sinabi nito na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police o PNP para makakalap ng mga impormasyon kaugnay ng pananambang kay Agustin.
Binigyang diin pa ng CSC na hindi nararapat sa isang tapat na lingkod bayan tulad ni Agustin ang masawi sa isang kalunos-lunos na paraan.
Matatandaang namatay si Agustin matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects habang sakay ng kanyang sasakyan sa Barangay Centro Tuguegarao City.
Kasabay nito kinondena rin ng CSC ang pagkamatay ni CSC-ARMM Senior Human Resource Officer Marvin Ablando na tinamaan ng mga ligaw na bala sa Marawi City.
—-